Pa'no Sasabihin Sa'yo

Di ko maintindihan
Ang nilalaman nitong damdamin
Laging nasa isip ka
Yan sa'yo ay aking aaminin

Ako'y umaasa na malalaman mo
Ang pagibig ko ay para sa katulad mo

Na panaginip laging nasa isip
Kailan mo kaya ito mababatid
Na Ika'y mahal ko yan ang totoo
Ngunit pa'no sasabihin sa'yo

Lagi ay naghihintay
Na mapapansin itong damdamin
Puso ay naiinip
Bakit pa hindi mo pa sabihin

Ako'y umaasa na malalaman mo
Ang pagibig ko ay para sa katulad mo

Na panaginip laging sa isip
Kailan mo kaya ito mababatid
Na Ika'y mahal ko yan ang totoo
Ngunit pa'no sasabihin sa'yo

Hindi mo ba nakikita
Sa kilos ko na ikaw ang syang minamahal ko

Sa panaginip laging nasa isip
Kailan mo kaya ito'y mababatid
Na Ika'y mahal ko yan ang totoo
Ngunit pa'no sasabihin sa'yo

Sa panaginip laging nasa isip
Kailan mo kaya ito'y mababatid
Na Ika'y mahal ko yan ang totoo
Ngunit pa'no sasabihin sa'yo